Feeling ko natanggal yung filling sa likod ng harap na ngipin ko sa bandang taas dahil sa sobrang kaka-floss. Naging pampalipas oras ko na kasi ang pag floss at pag-brush. Leche!
May kasikipan kasi ang pagitan ng dalawang ngipin ko sa harap (taas). Lalong sumikip nung nilagyan ng pasta. At ayun natangay ng floss. Maliit na bahagi lang sya pero mukhang magiging dahilan ng kabulukan kung magkataon.
Syanga pala, mura ang pasta ko kasi covered ng insurance ang kalahati. So, 50% lang ang aktwal na binabayaran ko sa pasta. Di ko lang alam kung pagbabayarin pa ko dito sa nasira.
Hopefully mababawasan ang laging pagkakaimpeksyon ng lalamunan ko ngayong mabutibuti na ang kalagayan ng mga ngipin ko. Sana! Ang mahal-mahal na kasi ng antibiotic na ginagamit ko ngayon dahil di na umuubra ang mga dati kong ginagamit. Sa ngayon, mga kombinasyon ang antibiotic na ginagamit ko kaya naman may kamahalan. Sa isang simpleng gamutan lang sana e umaabot sa dalawang libo ang napupunta sa antibiotic para sa kahabaan ng gamutan.
Hay... Sana nga.
Blog Archive
Labels
- adjustment (9)
- tonsil (1)
- update (4)